Itinuturing ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na welcome development ang pagkakasuspinde kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ipinaliwanag ni Estrada na ang ginawang hakbang na ito ng Office of the Ombudsman ay makakatulong para matiyak na wala nang magiging impluwensya ang alkalde sa magiging imbestigasyon laban sa kanyang pagkakaugnay sa POGO.
Bukas nakatakdang magkaroon ng executive session ang Senate Committee on Women tungkol sa pagkakaugnay ni Mayor Alice sa na-raid na POGO sa Tarlac.
Ayon kay Estrada, dadalo siya sa naturang executive session at maaaring dito aniya ay may lumabas na mga impormasyon laban kay Mayor Guo na may kaugnayan sa national interest ng Pilipinas.
Samantala, aminado ang senador na malaki sana ang maitutulong ng minumungkahi na pagsasagawa ng DNA test kay Mayor Alice at sa sinasabing ina nito.
Gayunpaman, tila malabo na aniya ito lalo’t base sa impormasyon ay nasa China na ang sinasabing ama at ina ng alkalde. | ulat ni Jinggoy Estrada