Ramdam na ng mga motorista ang taas-baba sa presyuhan ng produktong petrolyo.
Base sa anunsyo ng iba’t ibang kumpanya ng langis, tumaas ng ₱0.60 centavos per liter ang diesel, habang bumaba naman ang gasolina ng ₱0.90 centavos per liter.
Tumaas din ng ₱0.80 centavos per liter ang produktong kerosene.
Una nang inanunsyo ng Department of Energy na ang nasabing paggalaw ay bunsod ng paiba-ibang suplay ng mga oil producing countries gayundin ang demand mula sa iba’t ibang malalaking bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco