Ibinahagi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na handa ang kanilang tanggapan sa pangunguna ng Taguig Mental Health Teleconsultation na makinig at umagapay sa mga nagangailangan ng serbisyo nito 24/7.
Ayon sa Taguig City LGU, may mga handang umagapay ng mga psychometrician sa kanilang hotline para ma-schedule ang mga tatawag sa isang psychiatrist, psychologist, o trained physician.
Sa mga nais tumawag, maaari i-dial lamang ang numerong 0929-521-8373 mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi at sa 0967-039-3456 mula 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.
Maliban dito, maaari ring tumawag sa 24/7 National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline sa numerong 1553 o sa mga numerong nakalathala sa kanilang website sa https://ncmh.gov.ph/.| ulat ni EJ Lazaro