Binigyang diin ni DHSUD Sec. Jose Rizalino “Jerry” Acuzar ang kahalagahan na pumili ng lider na maipagpapatuloy ang pambansang pabahay program ng administrasyon.
Sa site inspection ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program o 4PH sa San Mateo Rizal, sinabi ni Acuzar na ang nais ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mabigyan ng pabahay ang lahat ng Pilipino lalo na ang mga mahihirap.
Kaya mahalaga na ang susunod na lider ay may puso na tumulong sa mga mahihirap para magtuloy-tuloy ang programa.
Kasabay nito, maigi rin ayon sa kalihim na gawin nang batas ang Pambansang Pabahay Program upang matiyak na mayroong pondo para sa interest subsidy.
Una nang nangako si Speaker Martin Romualdez na titiyakin ng Kamara na mapopondohan sa mga susunod na budget ang subsidiya para sa interes ng pabahay upang mapanatiling mababa ang bayad dito ng mga benepisyaryo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes