Umapela si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa mga distribution utilities na hatiin at gawing pautay-utay ang planong taas singil sa kuryente.
Ayon sa mambabatas, habang wala pang napapanagot at iniimbestigahan pa ng Kamara ang serye ng yellow at red alerts at forced shutdown ng mga planta na nag resulta sa power rate hike, mas maigi na hatiin na lang muna ng mga DU ang singil nila sa kuryente para naman hindi mabigatan ang mga consumer.
Pinatitiyak din ng lady solon na walang maganap na disconnection sa panahon ito.
Hirit pa niya na gawing staggered din ang pagbabayad ng mga DU sa generation companies dahil mayroong mga electric cooperatives na kulang sa pera.
“While generation companies are still to be held accountable for the power rate hikes due to their outages, we call on distribution utilities to at least split the power rate increase in the next billing to lessen the impact to consumers. There should also be no electricity disconnections during this period.” sabi ni Castro
Patuloy pa rin namang isusulong ni Castro ang panukalang batas para ilipat ang pananagutan sa mga generation companies oras na magkaroon ng taas singil ng kuryente dahil sa pagpalya ng mga planta. | ulat ni Kathleen Forbes