Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang katotohanan ang kumakalat na tiktok post na magbibigay ito ng ‘educational assistance’ sa mga mag-aaral sa buong bansa.
Ayon sa DSWD, fake news ang impormasyong ito at ‘di dapat paniwalaan.
Kaugnay nito, nagpaalala ang DSWD na huwag magpaloko sa naturang post na may tutorial pa kung paano umano makakakuha ng educational assistance mula sa Kagawaran.
Giit ng DSWD, hindi ito nanghihingi ng personal na impormasyon online para sa aplikasyon ng ‘educational assistance’ dahil ito ay labag sa Data Privacy Act.
Hinikayat naman ng DSWD ang publiko na ireport ang account na ‘Philippine Go Today’ sa TikTok (https://www.tiktok.com/@philippinegotoday?_t=8nEniceDz55&_r=1) dahil ito ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng Kagawaran pati na rin ng ibang ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa