Totoong pagkatao ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nakwestiyon sa pagkakasiwalat ng NBI clearance ng isa pang ‘Alice Leal Guo’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang totoong pagkatao ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasabay ng pagpresenta ng isang NBI clearance na nagpapakita ng isa pang babaeng nagngangalan ring ‘Alice Leal Guo’ pero ibang iba ang itsura sa alkalde.

Sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Hontiveros na kumbinsido siyang ninakaw lang ni Guo Hua Ping ang identidad ng isang Pilipina.

Matatandaang naniniwala kasi ang senador na Guo Hua Ping ang tunay na pangalan ng suspendidong alkalde at isa itong Chinese.

Base sa dokumentong iprenesenta ni Hontiveros, parehong Alice Leal Guo ang pangalan ng dalawa, pareho ring nakalagay na ang kanilang birthdate ay July 12, 1986 at parehong taga-Tarlac.

Bukod sa mukha, ang pagkakaiba lang ng dalawang NBI clearance ay ang petsa kung kailan ito iniisyu.

Lumalabas na mas naunang kinuha ang NBI clearance ng Pinay na ‘Alice Leal Guo’ noong November 3, 2005 habang noong March 3, 2021 lang nilabas ang NBI clearance ni Mayor Alice.

Sa ngayon ay hiniling na ni Hontiveros sa NBI ang biometrics nina Guo Hua Ping at ni Mayor Alice para makumpara ang kanilang fingerprints.

Pina-subpoena na rin ng Senate panel si Guo para umattend sa susunod na pagdinig kundi ay ipapa-cite in contempt na ito ng Senate panel. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us