Matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon ay nag-anunsyo ang Department of Tourism (DOT) na suspendido ang lahat ng tourist site at activities sa Canlaon City.
Partikular na inabisuhan ng DOT ang mga turista, tourism related establishments at ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Mt. Kanlaon Nature Park.
Kanselado din ayon sa DOT ang lahat ng tourism related activities sa loob ng permanent danger zone.
Mahigpit ang paalala ng DOT sa mga biyahero na iwasan ang permanent danger zone PDZ na 4 kilometero mula sa summit ng bulkan.
Paalala pa ng DOT sa mga biyahero partikular sa mga apektado ng mga flight cancellations na makipag-ugnayan sa kani kanilang mga accomodation establishment para sa rebooking process.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang pag monitor ng DOT region 6 at 7 sa mga developments patungkol sa nasabing bulkan at may atas na maghanda kung kinakailangan.
Giit pa ng DOT, prayoridad nila ang seguridad at kalusugan ng mga turista at ng lokal na komunidad sa lugar sa mga ganitong panahon. | ulat ni Lorenz Tanjoco