Travel Agency na suma-sideline bilang illegal recruiter sa Northern Mindanao, ipinasara ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency sa northern Mindanao matapos mapag-alamang umaakto ito bilang illegal recruiter.

Partikular na ikinandado ng DMW ang Jonieza Joy Travel & Tours and consultancy sa Misamis Oriental dahil sa pag-aalok ng trabaho sa ibayong dagat nang walang kaukulang lisensya.

Target ng naturang recruitment agency ang mga naghahanap ng trabaho abroad partikular na sa mga bansang Poland, Czech Republic, Lithuania, Romania, Croatia, Malta, Greece, Canada, UK, UAE, at Saudi Arabia.

Idinulog sa Kagawaran ng Pinoy community sa Poland ang naturang travel agency dahil sa panghihingi nito ng humigit kumulang ₱200,000 bilang processing fee kapalit ng trabaho na kayang iproseso sa loob lang ng lima hanggang walong buwan.

Kasunod nito, inirekomenda ng DMW sa Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapawalang-bisa sa permit at rehistro ng nasabing negosyo.

Dahil dito, ipinagharap ng DMW ng reklamong illegal recruitment committed by a syndicate laban sa may-ari gayundin sa mga opisyal ng Jonieza Joy Travel & Tours. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us