Inihayag ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtutulungan ang pamahalaan at ang private sector para sa repormang isinasagawa sa kasalukuyan upang mapalakas pa ang turismo sa bansa.
Sa 36th joint meeting of the UN tourism commission for South Asia, inihayag ng pangulo na ilan sa mga repormang nais ipatupad ay pagbibigay ng kaluwagan sa visa, pagbutihin pa ang water sanitation gayundin ang pagtatayo ng kailangang health care facilities sa mga tourist destinations.
Kailangan din sabi ng Chief Executive na palawakin ang connectivity hubs sa ibat- ibang paliparan.
Sa ganitong paraan sabi ng pangulo ay makakahikayat panglalo Ang bansa ng mas maraming turista na gugugol ng kanilang spending at sa huliy muling bumalik ng Pilipinas.
Tagos aniya ang magandang epekto ng may malakas na turismo sa bawat indibidwal na bahagi ng tourism industry. | ulat ni Alvin Baltazar