Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mt. Kanlaon, umabot na sa halos P30-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa halos P30 milyong ang tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga apektado ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Sa halagang ito, mahigit sa P24 milyon halaga ng tulong ang naipamahagi na sa 4,194 pamilya sa Negros Occidental habang halos P6 milyon naman ang naipagkaloob na tulong sa 4,698 pamilya sa Negros Oriental.

Iniulat din ng NDRRMC, na mayroon pang 2,711 na mga indibidwal ang nananatili sa limang evacuation centers sa Negros Occidental.

Samantala, nananatili naman sa mahigit P150 million ang danyos na iniwan ng aktbidad ng bulkan sa sektor ng agrikultura sa nabanggit na rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us