Bilang pagpapakita ng suporta sa mga Pilipinong atletang sasabak sa Paris Olympics ay nagpaabot muli ng tulong pinansyal ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez sa apat pang manlalaro.
Kinatawan ni Deputy Speaker at Antipolo Rep. Roberto Puno na siya ring presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) si Speaker Romualdez sa simpleng seremonya na ginanap sa Kamara.
Kabilang sa mga tumanggap ng financial support ang boxers na sina Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan, at Aira Villegas, at fencer na si Samantha Kyle Lim Catantan.
Bago ito ay nabigyan na rin ng tulong ang gymnasts na sina Levi Jung-Ruivivar at Carlos Edriel Yulo.
Giit ni Speaker Romualdez na higit sa pagsiguro na may sapat na resources ang ating mga atleta na lalaban sa Paris olympics, ito ay pagpapakita ng suporta at tiwala ng Kamara sa kakayanan nila na ibida ang Pilipinas at magdala ng karangalan para sa bansa.
“This financial support is more than just a means to ensure you have the necessary resources to compete in Paris; it is a solemn affirmation that the House of Representatives and the entire nation are rooting for you in your quest to bring honor and glory for our country,” sabi ni Speaker Romualdez.| ulat ni Kathleen Forbes