Puspusan na ang mga paghahanda para sa paghohost ng Pilipinas para sa gaganaping ika-36 na Joint Commission Meeting ng Commission for East Asia and the Pacific at Commission for South Asia (CAP-CSA) sa Cebu.
Kasabay din ang nasabing kaganapan ng inaugural UN Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism para sa Asia and the Pacific.
Gaganapin ang tourism meeting mula Hunyo 26-28, 2024 at inaasahang dadaluhan ng higit sa 400 delegado mila sa mahigit 30 bansa.
Ipinahayag naman ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang kahandaan ng bansa sa pagsasagawa ng meetings sabay pagbibigay-diin sa pagkakataong maipakita ang mayamang pamana ng Pilipinas at ang husay ng Cebu bilang destinasyon para sa Meetings, Incentives, Conventions, at Exhibitions (MICE).
Nakahanda na rin umano ayon sa Kalihim ang pinaigting na seguridad, emergency preparedness, at mga hospitality measure upang matiyak ang isang matagumpay at hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng dadalong delikado. | ulat ni EJ Lazaro