Uniporme ng HPG riders, may bagong disenyo pangontra sa ‘moonlighting’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng bagong disenyo ng uniporme ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para sa kanilang mga motorcycle rider upang madaling matukoy ang mga sangkot sa iligal na pag-escort ng mga VIP.

Ayon kay HPG Director, Police Brig. Gen. Jay Cumicad, ang naturang hakbang ang tugon ng kanilang tanggapan sa utos ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na istriktong ipagbawal ang illegal escorting ng mga tauhan nito.

Sa bagong Visibility Enhancer Vest  ng HPG, nakalagay na sa likod nito ang motorcycle number na gamit ng HPG rider upang madaling matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Ito rin ang magsisilbing palatandaan para makilala ang mga lehitimong tauhan ng HPG at mga nagpapanggap lang.

Una na ring ipinag-utos ng PNP chief ang istriktong accounting ng mga pulis at sasakyan ng PNP para masiguro na hindi sangkot sa “moonlighting activity” ang mga ito.  | ulat ni Leo Sarne

📸: HPG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us