Handa na ang Valenzuela City local government na mamahagi ng mga gamit pang eskwela sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa lungsod.
Ngayong pasukan ng klase, hindi lamang libreng bag at school supplies ang ibibigay sa mga mag-aaral kundi may kasama nang uniporme.
Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, ang pagsama sa uniporme na ibibigay sa mga mag-aaral ay bilang tulong na rin sa mga magulang at kanilang anak.
Bawat mag-aaral ay bibigyan ng dalawang set ng school uniform at BalikEskwela Kit mula Kinder hanggang Grade 6.| ulat ni Rey Ferrer