Warehouse na nag-display ng Chinese flag, ipinasara ng Valenzuela LGU dahil sa kawalan ng business permit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniutos ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang agarang pagpapasara sa isang warehouse sa lungsod dahil sa ilang violations.

Unang napansin ang warehouse sa Brgy. Bignay nang mag-display ito ng Chinese flag sa kanilang estabilisimyento.

Nang inspeksyunin naman ito ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), nadiskubre na isa sa mga kumpanyang nagrerenta sa warehouse compound na STR Power Equipment Corporation – ay walang Mayor’s/Business Permit kaya agad itong sinilbihan ng Closure Order.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng BPLO sa naturang warehouse at bineberipika na rin kung alin sa mga kumpanya ang responsable sa pagbandera ng isang foreign flag na paglabag naman sa Section 34 (h) ng Republic Act No. 8491, o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Inaalam na rin ng LGU kung may working visa ba ang mga foreign national employees na nakita sa dalawang kumpanyang nag-ooperate sa lugar.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ngayon ng Valenzuela LGU ang lahat ng negosyo at residente sa lungsod na bawal ang pagbabandera ng foreign flags sa mga pampublikong lugar, maliban na lamang sa loob ng embassies, diplomatic establishments, at tanggapan ng international organizations. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us