Iginiit ngayon ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na upang mas maigiit pa ng Pilipinas ang ating soberanya ay dapat na hayagang gamitin ang pangalang West Philippine Sea sa mga mahahalagang mapa, textbook, at navigational notices sa mga marino at aircraft.
Sabi ng mambabatas, dapat gumawa ang NAMRIA ng administrative map ng Pilipinas na nagpapakita ng West Philippine Sea at Spratly Island na nakapaloob sa panukalang Philippine Maritime Zones.
Tinukoy pa nito na kung titignan sa Google Maps ay walang West Philippine Sea, bagkus ay South China Sea lang ang gamit at wala ring tinutukoy na Philippine Rise.
Isa pa sa napansin ng mambabatas na wala ang pangalang West Philippine Sea sa apat na mapang ginamit ng Pilipinas para maipanalo ang Arbitral Award noong 2016.
“We need new maps showing the West Philippine Sea. Google Maps, navigational maps used by all local and international ships and aircraft, and maps in Philippine textbooks should all show where the West Philippine Sea is. Encyclopedias should also show where the West Philippine Sea is,” giit ni Flores. | ulat ni Kathleen Jean Forbes