Isinailalim na kaninang ala-1 ng hapon sa yellow alert ang Luzon Grid na dapat ay alas-2 pa ng hapon.
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tatagal ang yellow alert status hanggang alas-4 ng hapon, at mula alas-6 hanggang alas-10 ng gabi.
Sa ngayon, nasa 14,457MW ang available capacity sa Luzon Grid habang nasa 13,484MW ang peak demand.
Paliwanag ng NGCP, ang karagdagang mga yellow alert interval ay dahil sa pagtaas ng forecasted demand.
Ang yellow alert ay ipinatutupad kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailangan sa contingency ng transmission grid.
Nauna nang inanunsyo ng NGCP ang pagsasailalim sa yellow alert ng Luzon Grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, at alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Dahil ito sa forced outage ng ilang power plants sa Luzon Grid habang ang iba naman ay nasa derated capacities. | ulat ni Rey Ferrer