Sa ika-apat na araw ng serye ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga taga-Leyte, aabot sa ₱14.1 million na halaga ng ayuda ang naipagkaloob sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) at Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) program.
Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), 3,000 residente ng Brgy. Santa Fe sa Tacloban ang naabutan ng cash aid at pabigas ng Office of the Speaker.
Bukod sa ₱5,000 na financial assistance ay nakatanggap rin ng ₱1,000 na halaga ng bigas ang 1,000 kwalipikadong benepisyaryo o kabuuang ₱6 million na halaga ng aid package.
Kasabay nito ang TUPAD payout sa may 2,000 indibidwal na may tig-₱4,050.
Pagbibigay diin ni Speaker Martin Romualdez na ito ay pagsasakatuparan ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilalapit niya ang gobyerno sa mga Pilipino.
“The House of Representatives remains committed to supporting the continuation of these laudable assistance programs to bring needed relief to our citizens in need according to our President’s vision of a Bagong Pilipinas,” sabi ng House Speaker
Pagpapatuloy ang serye ng aid caravan sa Leyte hanggang July 19. | ulat ni Kathleen Forbes