Nakapamahagi na ang DSWD Field Office 1 ng P17,256,043.68 na halaga ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Carina at Habagat sa Region 1.
Batay sa pinakahuling ulat ng ahensiya, 22,478 na Family Food Packs at 319 na non-food items ang naipagkaloob ng ahensiya sa iba’t ibang bayan ang lungsod sa La Union, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Kabilang dito ang karagdagang 6,396 na ipinamahagi sa mga pinakanaapektuhang lugar, ang Bauang at Luna sa La Uniom at ang Dagupan City sa Pangasinan.
Nagpapatuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office 1 para sa tuloy-tuloy na pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.| ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo