₱6.352-T 2025 National Budget, isusumite na sa Kamara ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na isusumite ng Ehekutibo sa Kamara ang panukalang Pambansang Pondo para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng ₱6.352-trillion ngayong araw.

Pangungunahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang presentasyon ng National Expenditure Program kay Speaker Martin Romualdez at sa buong Mababang Kapulungan.

Una nang tiniyak ng House leader ang kahandaan ng Kamara para tanggapin at talakayin ang panukalang National Budget.

Siniguro rin ni Romualdez na bubusisiing mabuti ang Pambansang Pondo at papairalin ang oversight function upang matiyak na tamang nagugugol ng mga ahensya ang inilaang pondo sa kanila.

“We will make sure that enough funds will be allocated for social services and for programs that will sustain our economic growth,” sabi ni Romualdez.

Sinabi pa niya na itutugma ng Kamara ang patitibaying National Budget sa spending priorities ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kaniyang Agenda for Prosperity.

Target aniya nilang maaprubahan ang 2025 National budget bago ang unang recess ng Kongreso sa Oktubre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us