Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng access road papuntang Situbo Falls sa bayan ng Tampilisan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ang 265 lane meters na kalsada ay may pondong higit sa ₱6.8 milyon mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023.
Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, regional director ng DPWH-9, ang kalsada ay makatutulong sa pagpapalago ng turismo sa lugar.
Aniya, ang Situbo Falls ngayon ay isa nang tourist destination ng lokal at dayuhang mga turista.
Kalakip sa konstruksyon ay ang paglalagay ng grouted riprap, stone masonry, at reflectorized thermoplastic markings sa kalsada para sa madali at ligtas na biyahe ng mga motorista.
Ayon kay Director Dia, sa pamamagitan ng bagong kalsada, madali nang maaabot at makikita ng mga turista ang magagandang tanawin ng Situbo Falls. | ulat ni Lesty Cubol | RP Zamboanga
📸: DPWH Regional Office-9