DILG Sec. Abalos, pinag-iingat ang publiko sa mga pekeng accounts na ginagamit ang kanyang pangalan

Nagbabala ngayon si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa publiko laban sa mga pekeng Facebook pages at account na ginagamit ang kanyang pangalan. Ayon sa kalihim, may mga pekeng account ang ginagamit ng mga scammer para makapambiktima. Paalala nito sa publiko, maging mapanuri at huwag magbigay ng mga personal na impormasyon at huwag… Continue reading DILG Sec. Abalos, pinag-iingat ang publiko sa mga pekeng accounts na ginagamit ang kanyang pangalan

Kauna-unahang Regional Rehab Center for Youth para sa kababaihan, bubuksan sa Cebu

Magkakaroon na ng kauna-unahang Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) na nakalaan para sa kababaihan sa lalawigan ng Cebu. Kasunod ito ng paglagda sa isang usufruct agreement ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pamahalaang panlalawigan ng Cebu para sa paggamit ng pasilidad ng LGU Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY). Sa ilalim… Continue reading Kauna-unahang Regional Rehab Center for Youth para sa kababaihan, bubuksan sa Cebu

Bentahan ng mga gamit pang-eskuwela sa Marikina Public Market, inaasahang sa ikatlong linggo pa ng Hulyo lalakas

Hanggang “canvas” o pagtatanong muna ng presyo ng school supplies ang ginagawa ng ilang mga magulang sa Marikina Public Market. Ito’y kasunod na rin ng inaasahang pagsisimula ng enrollment period gayundin ang mga paghahanda sa nalalapit na pasukan. Ayon sa mga nagtitinda ng school supplies, matumal pa ang bentahan ngayon at inaasahan na nila ito… Continue reading Bentahan ng mga gamit pang-eskuwela sa Marikina Public Market, inaasahang sa ikatlong linggo pa ng Hulyo lalakas

Umano’y pagtanggap ng PNP sa mga K-to-12 graduates, ‘fake news’ — PNP

Tinawag na “fake news” ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumakalat na impormasyon sa social media sa di-umano’y pagtanggap nila ng mga K-to-12 graduate upang makapasok sa kanilang hanay. Paglilinaw ng PNP, dapat Bachelor’s Degree holder, pumasa sa National Police Commission (NAPOLCOM) Exam gayundin sa anumang Board Exams o Professional Civil Service Exam ang… Continue reading Umano’y pagtanggap ng PNP sa mga K-to-12 graduates, ‘fake news’ — PNP

Mahigit ₱2-T, inaasahang papasok sa Pilipinas bawat taon dahil sa paggamit ng Artificial Intelligence — NEDA

Inaasahang aabot sa ₱2.6-trillion ang papasok sa Pilipinas kada taon kung mag-a-adopt ang mga negosyo ng Artificial  Intelligence (AI) Powered Solutions. Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng muling pagtitiyak ng kanilang suporta sa paglulunsad ng National AI Strategy Roadmap 2.0 gayundin ng Center for AI Research (CAIR). Ayon kay… Continue reading Mahigit ₱2-T, inaasahang papasok sa Pilipinas bawat taon dahil sa paggamit ng Artificial Intelligence — NEDA

Mabilis na pagresolba sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa 2 Chinese executives sa Camarines Sur, tiniyak ng PNP

Puspusan na ngayon ang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Embahada ng Tsina sa Pilipinas para sa mabilis na ikareresolba ng kaso ng pagdukot at pagpatay sa dalawang Chinese executives sa Camarines Sur Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, makaraang i-ulat nito na may… Continue reading Mabilis na pagresolba sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa 2 Chinese executives sa Camarines Sur, tiniyak ng PNP

CICC at Scam Watch Pilipinas, hinikayat ang publiko na gamitin ang eGov app ng DICT para mag-report ng text scams

Nanawagan ngayon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Scam Watch Pilipinas sa publiko na gamitin ang eGov app ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para mag-report ng mga natatanggap na text scams. Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, bukod sa pagtawag sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) Hotline 1326, ay… Continue reading CICC at Scam Watch Pilipinas, hinikayat ang publiko na gamitin ang eGov app ng DICT para mag-report ng text scams

Mayorya ng mga Pilipino, pabor sa diplomatikong pamamaraan at pag-alis ng Chinese vessels para humupa ang tensyon sa WPS — Pulse Asia survey

Naniniwala ang nakararaming Pilipino na dapat itulak ang diplomatikong pamamaraan at dapat alisin na ang mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea para humupa ang tensyon sa naturang karagatan. Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, 64% ng respondents ang nagsabing kailangan ng Code of Conduct sa West Philippine Sea o South China Sea,… Continue reading Mayorya ng mga Pilipino, pabor sa diplomatikong pamamaraan at pag-alis ng Chinese vessels para humupa ang tensyon sa WPS — Pulse Asia survey

Fingerprints ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nag-match rin sa isang Chinese national na si Guo Xiang Dan

Kinumpirma na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) na pareho ang fingerprints ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Wesley Guo sa Chinese national na si Guo Xiang Dan. Ibinahagi ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang impormasyon na ito gayundin ang kopya ng Philippine… Continue reading Fingerprints ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nag-match rin sa isang Chinese national na si Guo Xiang Dan

House Tax Chief, walang nakikitang mali sa paggamit ng sobrang pondo ng PhilHealth para pagkunan ng unprogrammed appropriations

Walang nakikitang problema si Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa plano ng Department of Finance (DOF) na gamitin ang excess fund ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para pampondo sa unprogrammed appropriations. Aniya, taunan naman ay binibigyan ng subsidiya ang PhilHealth maliban pa sa kontribusyon ng mga miyembro nito. Kaya naman kung ang… Continue reading House Tax Chief, walang nakikitang mali sa paggamit ng sobrang pondo ng PhilHealth para pagkunan ng unprogrammed appropriations