Pagtaas ng presyo ng itlog at kamatis sa Kalentong Market sa Mandaluyong City, ramdam ng mga mamimili

Nagtaas ng ₱5 hanggang ₱10 ang presyo ng kada tray ng itlog sa Kalentong Market sa Mandaluyong City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱200 hanggang ₱270 ang kada tray ng itlog depende sa sukat nito. Halimbawa ang bawat tray ng medium size na itlog ay nagkakahalaga ng ₱200, ang large ay nasa ₱230,… Continue reading Pagtaas ng presyo ng itlog at kamatis sa Kalentong Market sa Mandaluyong City, ramdam ng mga mamimili

Halos ₱7-M halaga ng mga pekeng produkto, nasabat ng NBI sa Maynila

Nasa ₱6.7 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa Maynila. Ito ay katumbas ng mahigit 45,000 na piraso ng mga pekeng produkto. Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng NBI-Rizal District Office ang bodega ng dalawang suspek na kinilalang sina Kelvin Chua at Anna… Continue reading Halos ₱7-M halaga ng mga pekeng produkto, nasabat ng NBI sa Maynila

NEDA, iginagalang ang paghahain ng petisyon ng ilang grupo ng mga magsasaka laban sa kautusan na magpapababa sa taripa ng imported bigas

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hinihintay pa nito ang kopya ng petisyon ng ilang grupo ng mga magsasaka na humihiling na ipahinto ang Executive Order No. 62. Ito ang kautusan na nagpababa sa taripa ng mga imported na bigas at iba pang produktong agrikultural. Sa isang pahayag, sinabi ni NEDA Secretary… Continue reading NEDA, iginagalang ang paghahain ng petisyon ng ilang grupo ng mga magsasaka laban sa kautusan na magpapababa sa taripa ng imported bigas

Patch ng bandila ng Pilipinas, bahagi na ng battle dress uniform ng AFP

Inaanunsyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na magiging bahagi na ng battle dress uniform ng militar ang patch ng bandila ng Pilipinas. Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, ipinaliwanag ni Gen. Brawner na ito ay para ipakita ang “patriotism” at “solidarity” ng bawat sundalo, bilang… Continue reading Patch ng bandila ng Pilipinas, bahagi na ng battle dress uniform ng AFP

‘Mulat’ Communication Plan kontra sa misinformation sa WPS, inilunsad ng AFP

Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang “Mulat” Communication Plan para kontrahin ang paglaganap ng maling impormasyon tungkol sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., layon ng “Mulat” Communication Plan na palakasin ang “transparency,” kontrahin ang disinformation, at palawakin ang kamalayan ng publiko tungkol… Continue reading ‘Mulat’ Communication Plan kontra sa misinformation sa WPS, inilunsad ng AFP