Nilagdaang Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, ‘new era’ ng pinaigting na kooperasyon ng dalawang bansa

Itinuturing ni Speaker Martin Romualdez na isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng defense cooperation sa gitna ng mga hamon sa rehiyon ang nilagdaang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Sa pamamagitan ng makasaysayang kasunduan ay mapapalawig aniya ang pakikibahagi ng Japan forces sa joint military exercises gaya ng Balikatan na bahagi… Continue reading Nilagdaang Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, ‘new era’ ng pinaigting na kooperasyon ng dalawang bansa

Caloocan LGU, tumanggap ng bagong Mobile Laboratory Bus mula kay First Lady Liza Araneta-Marcos

Nagpaabot ng pasasalamat ang Caloocan City local government kay First Lady Liza Araneta-Marcos matapos itong makatanggap ng bagong Mobile Laboratory Bus mula sa Unang Ginang. Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, isa ito sa mga ipinangako ng Unang Ginang sa pamahalaang lungsod bilang suporta sa mga plano na ayusin ang healthcare system sa Caloocan. Sa… Continue reading Caloocan LGU, tumanggap ng bagong Mobile Laboratory Bus mula kay First Lady Liza Araneta-Marcos

Malabon Mayor Jeannie Sandoval, muling nagkasa ng relief ops sa mga residenteng apektado ng baha sa lungsod

Patuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Malabon local government sa mga residente sa Barangay Hulong Duhat na apektado ng pagbaha dahil sa nasirang navigational gate. Pinangunahan mismo ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagbisita sa higit 500 apektadong residente kung saan nito personal na inalam ang pangangailangan ng mga ito. Namahagi rin ang alkalde… Continue reading Malabon Mayor Jeannie Sandoval, muling nagkasa ng relief ops sa mga residenteng apektado ng baha sa lungsod

UP Diliman, nag-deploy na ng dagdag na security personnel kasunod ng insidente ng pananaksak sa loob ng unibersidad

Pinag-iingat ng pamunuan ng UP Diliman campus ang lahat, lalo na ang mga estudyante na hinihikayat na i-report sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang bagay o insidente. Ito ang inilabas na urgent advisory ng UP kasunod ng nangyaring pananaksak sa isang indibidwal kagabi sa National Science Complex ng unibersidad. Dahil sa insidente alas-8 kagabi ay nagdagdag… Continue reading UP Diliman, nag-deploy na ng dagdag na security personnel kasunod ng insidente ng pananaksak sa loob ng unibersidad

Pagpapalakas ng pamumuhunan at pagpapatupad ng mga reporma para makalikha ng mga dekalidad na trabaho, itinutulak ng NEDA

Pursigido ang pamahalaan na itulak ang panghihikayat pa ng mas maraming mga mamumuhunan gayundin ang pagpapatupad ng mga reporma upang palakasin ang productivity at makalikha ng maraming dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino. Ito ang tinuran ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagbaba… Continue reading Pagpapalakas ng pamumuhunan at pagpapatupad ng mga reporma para makalikha ng mga dekalidad na trabaho, itinutulak ng NEDA

DA, palalawakin pa ang mga lugar na mapapasama sa ₱29 Program

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mas maraming lugar pa ang mapapasama sa ₱29 Program o ang ₱29 kada kilo ng murang bigas. Ito ay matapos na makipag-ugnayan ang ilan pang mga lokal na pamahalaan para magkaroon din ng bentahan ng murang bigas sa kanilang mga nasasakupan. Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel… Continue reading DA, palalawakin pa ang mga lugar na mapapasama sa ₱29 Program

Paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement, welcome sa AFP

Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA). Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, isa itong welcome development dahil lalo pa nitong mapaiigting ang kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa. Aniya, makatutulong ang nasabing kasunduan sa pagpapalitan ng kaalaman… Continue reading Paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement, welcome sa AFP

Ilang trike driver sa QC, umaaray na naman sa higit ₱1 taas-presyo sa gasolina

Napapailing na naman ang ilang tricycle driver sa Quezon City dahil tatamaan na naman sila ng panibagong taas-presyo sa gasolina ngayong araw. Epektibo kaninang alas-6 ng umaga, mayroon na namang dagdag na ₱1.60 sa kada litro ng gasolina na siyang pinapakarga ng mga tricycle driver. Dito sa bahagi ng PHILCOA, hindi pa nagpapakarga ngayong umaga… Continue reading Ilang trike driver sa QC, umaaray na naman sa higit ₱1 taas-presyo sa gasolina

Bentahan ng itlog sa Pasig City Mega Market, bahagyang tumumal

Umaasa ang mga nagtitinda ng itlog sa Pasig City Mega Market na lalakas muli ang bentahan nila ng itlog pagsapit ng pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral. Ito’y kasunod na rin ng hinaing ng mga nagtitinda ng itlog na matumal ang kanilang bentahan bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng kanilang paninda. Sa pag-iikot ng… Continue reading Bentahan ng itlog sa Pasig City Mega Market, bahagyang tumumal

₱500 price difference sa pagitan ng mga biniling COVID-19 test kits noong pandemya, nausisa ng House Appropriations panel

Pinuna ni House Appropriations Committee Senior Vice Chair Stella Quimbo kung bakit mayroong pagkakaiba sa presyo ng mga biniling COVID-19 test kits ng Department of Health (DOH) noong panahon ng pandemya. Ito ay kahit pa magkakaparehas naman ang brand at uri ng test kit batay sa procurement list ng ahensya. Sa pagpapatuloy ng Oversight Hearing… Continue reading ₱500 price difference sa pagitan ng mga biniling COVID-19 test kits noong pandemya, nausisa ng House Appropriations panel