1 napaulat na nawawala sa sunog sa Brgy. Tumana sa Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang paghahanap ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang lalaking senior citizen na napaulat na nawawala.

Ito’y matapos na pinaniniwalaang ma-trap ang naturang lalaki sa nasusunog nilang tahanan sa Pipino Street, Barangay Tumana, Marikina City.

Batay sa inisyal na ulat mula sa BFP, sumiklab ang sunog alas-2:50 ng madaling araw na umakyat lamang ng unang alarma.

Naapula naman agad ito makalipas ang mahigit isang oras o dakong alas-3:55 ng madaling araw.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog gayundin ang pinsalang iniwan nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us