Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-imbak ng family food packs sa regional warehouse ng DSWD sa Pampanga.
Ayon sa ulat ng DSWD Field Office-3 sa Central Luzon, may 10,000 kahon ng family food packs ang pinadala na para sa Central Luzon.
Ang mga pinadalang food items ay bahagi ng 40,000 family food packs na inihanda ng ahensya upang matiyak ang magagamit na relief supplies bago pa man magkaroon ng kalamidad.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.| ulat ni Rey Ferrer