Mas makataong working condition sa Saudi Arabia para sa mga OFW, itutulak ng OFW Party-list

Nangako si OFW Party-list Representative Marissa Magsino na tutulong sa pagbuo ng mas makataong working condition para sa mga OFW sa Saudi Arabia. Kasunod ito ng town-hall meeting na inorganisa ng OFW Party-list at Philippine Embassy sa naturang bansa kasama ang Filipino migrant workers doon. Ani Magsino, titiyakin niya na magiging paborable sa mga OFW… Continue reading Mas makataong working condition sa Saudi Arabia para sa mga OFW, itutulak ng OFW Party-list

Infrastructure development agenda ng administrasyong Marcos, ilalatag sa Build Better More Infra Forum ng PCO

Aarangkada na simula ngayong araw, July 11, ang Build Better More Infrastructure Forum ng Presidential Communications Office (PCO) na layong isulong ang infrastructure initiatives ng administrasyong Marcos. Isasagawa ang forum sa National Government Administrative Center, New Clark City, sa Tarlac mula ngayong Huwebes hanggang sa Sabado, July 13. Ayon sa PCO, makikilahok sa naturang forum… Continue reading Infrastructure development agenda ng administrasyong Marcos, ilalatag sa Build Better More Infra Forum ng PCO

DA, inaasahang bababa na ang presyo ng gulay at kamatis sa linggong ito

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na bababa na rin sa linggong ito ang presyo ng ilang mga gulay pati na ang kamatis. Sa gitna ito ng patuloy na pagsipa ng presyo ng ilang gulay sa pamilihan pati na ang kamatis na naglalaro sa ₱140 hanggang ₱220 ang kada kilo. Tumaas rin ang presyo ng… Continue reading DA, inaasahang bababa na ang presyo ng gulay at kamatis sa linggong ito

4 na FA-50 fighter jets ng Pilipinas, dumating na rin sa Australia para lumahok sa Pitch Black Military Exercises 2024

Dumating na rin sa Darwin, Australia ang main contingent ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Military Exercise Pitch Black 2024. Kasamang dumating ng main contingent sakay ng C-130 Tactical Transport aircraft ng Air Force ang apat na FA-50 Fighter Jets na siyang tampok ng nasabing pagsasanay. Personal silang sinalubong sa Royal Australian… Continue reading 4 na FA-50 fighter jets ng Pilipinas, dumating na rin sa Australia para lumahok sa Pitch Black Military Exercises 2024

PAOCC, DOJ, at CIDG, magpupulong para talakayin ang pagkakasangkot ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa isyu ng POGO

Makikipagpulong ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Ito’y para talakayin ang naging pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nagdadawit kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinalakay nilang POGO hub na Lucky South 99 sa Porac,… Continue reading PAOCC, DOJ, at CIDG, magpupulong para talakayin ang pagkakasangkot ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa isyu ng POGO

July 2024 billing ng MERALCO, bahagyang maaantala

Nagpaabiso ang Manila Electric Company (MERALCO) sa kanilang mga customer na bahagyang maaantala ang pagdating ng kanilang July 2024 billing sa unang bahagi ng buwang ito. Ayon sa MERALCO, ito ay dahil sa kinakailangan nilang makipag-ugnayan sa Energy Regulatory Commission (ERC) hinggil sa singilin sa Generation Charge ngayong Hulyo. Dahil dito, sinabi ng MERALCO na… Continue reading July 2024 billing ng MERALCO, bahagyang maaantala

Pagsisikap ng Marcos adminsitration para masawata ang iligal na POGO, masasayang kung itutuloy ang total ban sa naturang industriya — solon

Nanghihinayang si House Tax Chief at Albay Representative Joey Salceda sa mga repormang naipatupad ng Marcos Jr. administration pagdating sa POGO kung matuloy ang total ban sa naturang industriya. Kasunod ito ng pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na plano niyang irekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad na ng total ban sa… Continue reading Pagsisikap ng Marcos adminsitration para masawata ang iligal na POGO, masasayang kung itutuloy ang total ban sa naturang industriya — solon

Dating Presidential Adviser na si Michael Yang, ipina-contempt ng Dangerous Drugs Committee ng Kamara

Tuluyan nang ipina-contempt ng House Committee on Dangerous Drugs ang businessman at dating Presidential Adviser noong Duterte administration na si Michael Yang. Ang mosyon ay inihain ni Antipolo Representative Romeo Acop bunsod na rin ng hindi pagharap ni Yang sa pagdinig ng komite sa kabila ng makailang ulit na imbitasyon at ipinadalang subpoena. Tinukoy ni… Continue reading Dating Presidential Adviser na si Michael Yang, ipina-contempt ng Dangerous Drugs Committee ng Kamara

Bagong Joint Task Force NCR Commander, iniluklok ni Gen. Brawner

Pormal na iniluklok sa pwesto ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. si Brigadier General Eric Macaambac PN(M) bilang bagong commander ng Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR). Sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, pinalitan ni Brig. Gen. Macaambac si Maj. Gen. Jimmy Larida… Continue reading Bagong Joint Task Force NCR Commander, iniluklok ni Gen. Brawner

Philippine Navy, ipinagtanggol ang kanilang junior officer na nadawit sa POGO investigation

Nagpahayag ng buong suporta ang Philippine Navy sa kanilang Junior Officer na si Lieutenant Jessa Mendoza, upang malinis ang kanyang pangalan matapos na mistulang mabiktima ng “identity theft”. Ang pahayag ay ginawa ni Philippine Navy Public Affairs Director Commander John Percie Alcos matapos madamay si Lt. Mendoza sa imbestigasyon ng Senado, bilang incorporator o direktor… Continue reading Philippine Navy, ipinagtanggol ang kanilang junior officer na nadawit sa POGO investigation