Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang 12 pamilya na naapektuhan ng Bagyong Carina at hanging habagat sa bayan ng Pio Duran, Albay.
Ayon sa ahensya, tumanggap ng P10,000 ang bawat pamilya sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.
Ilan sa mga benepisyaryo ay nasira ang tirahan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na may kasamang bugso ng hangin na epekto ng hanging habagat at dumaang Bagyong Carina nitong mga nakaraang araw.
Kabuuang P120,000 cash relief assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong pamilya. | ulat ni Gary Carl Carillo | RP Albay
📷: DSWD Bicol