Oil price rollback, inaasahang iaanunsyo ngayong araw

Matapos ang apat na sunod na oil price hike, rollback naman ang inaasahang ipatutupad bukas ng mga kumpanya ng langis. Ayon sa kumpanyang UniOil, ang diesel ay inaasahang bababa ng ₱0.80 sentimos hanggang piso kada litro. Habang sa gasolina ay ₱0.50 sentimos hanggang ₱0.70 sentimos ang inaasahang ibababa sa kada litro ng presyo nito. Ayon… Continue reading Oil price rollback, inaasahang iaanunsyo ngayong araw

QC gov’t, hinikayat ang mga residente na makiisa sa population census at community based monitoring system

Hinimok ng Quezon City government ang mga residente na makiisa sa pag-arangkada ng Population Census at Community Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa LGU, mandatory o required ang bawat QCitizen na sumagot sa census sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at kumpletong impormasyon sa enumerators. Ang sino mang mapapatunayang lumabag sa… Continue reading QC gov’t, hinikayat ang mga residente na makiisa sa population census at community based monitoring system

Pamamaga ng Bulkang Kanlaon, bantay-sarado ng PHIVOLCS

Nakatutok pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Kanlaon na nakapagtala ng mataas na lebel ng ground deformation o pamamaga. Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na buwan, naitala ng ahensya ang mataas na ground inflation, isang indikasyon na patuloy na naiipon ang magma sa crater nito. Batay rin… Continue reading Pamamaga ng Bulkang Kanlaon, bantay-sarado ng PHIVOLCS

Natuklasang pagawaan ng pekeng Birth Certificate sa Davao del Sur, pinaiimbestigahan sa Kamara

Labis na ikinabahala at ikinadismaya ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns ang natuklasang “fake birth certificate mill” o pagawaan ng pekeng Birth Certificate ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang bayan sa Davao del Sur kung saan pawang mga Chinese nationals ang parokyano. Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa isa sa mga kumuha… Continue reading Natuklasang pagawaan ng pekeng Birth Certificate sa Davao del Sur, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pag-ban ng Bulacan sa mga POGO, pinuri ni Sen. Gatchalian

Pinuri ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan dahil sa bagong ordinansa nitong nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanilang nasasakupan. Ayon kay Gatchalian, dapat tularan ng lahat ng mga lokal na pamahalaan ang ginawa ng Bulacan at ng ilan na ring LGU na pagbabawal sa mga POGO sa kanilang lugar.… Continue reading Pag-ban ng Bulacan sa mga POGO, pinuri ni Sen. Gatchalian

Pondo para sa pagtatayo ng F. Manalo Linear Park, matatanggap na ng San Juan LGU

Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora na matatanggap na nila ang pondo bilang alokasyon sa pagpapagawa ng F. Manalo Linear Park sa Brgy. Batis. Ito’y bilang bahagi ng pagbuhay sa dating proyekto ng Pasig River Rehabilitation Commission sa ilalim ng Adopt-a-Park Program ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ginawa ng alkalde ang pahayag… Continue reading Pondo para sa pagtatayo ng F. Manalo Linear Park, matatanggap na ng San Juan LGU

PNP, nagbabala sa mga militanteng magsusunog ng effigy sa SONA ni Pangulong Marcos

Mananagot sa batas ang alinmang militanteng grupo na magtatangkang magsunog ng kanilang effigy kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang babala ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng inilabas ng pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) na paiiralin nila ang Batas Pambansa 880 na… Continue reading PNP, nagbabala sa mga militanteng magsusunog ng effigy sa SONA ni Pangulong Marcos

Relief efforts sa mga binaha sa Maguindanao del Norte, tinutukan nina DSWD Sec. Gatchalian at SAP Sec. Lagdameo

Nagtungo sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Special Assistant to the President (SAP) Secretary Anton Lagdameo sa Matanog, Maguindanao del Norte para personal na tutukan ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pagbaha bunsod ng southwest monsoon. Bukod sa relief packs, namahagi ang mga ito ng… Continue reading Relief efforts sa mga binaha sa Maguindanao del Norte, tinutukan nina DSWD Sec. Gatchalian at SAP Sec. Lagdameo

Mga apektado ng habagat sa Mindanao, higit 200,000 na — DSWD

Umakyat na sa 54,000 pamilya o higit 265,000 indibidwal ang apektado ng malalakas na ulang dala ng habagat sa Mindanao. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 9, 12, at BARMM. Batay sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 14, mayroon nang 5,027 na pamilya… Continue reading Mga apektado ng habagat sa Mindanao, higit 200,000 na — DSWD

Maulang panahon, magpapatuloy sa Metro Manila, ilang karatig lalawigan

Inaasahang magpapatuloy ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan. Sa Thunderstorm Advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas kaninang 5:42 AM, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Bataan, Pampanga, Metro Manila, Batangas at… Continue reading Maulang panahon, magpapatuloy sa Metro Manila, ilang karatig lalawigan