Naipagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang aabot sa 184 na titulo ng lupa para sa mga pamilya na mula sa iba’t ibang estate sa siyudad.
Kabilang dito ang 133 residente ng YK estate na nakatanggap ng kanilang mga titulo ng lupa makalipas ang 20 taon dahil na rin sa paglalaan ng budget sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan para sa property acquisition.
Bukod dito, 24 na residente mula sa Lico estate at 17 mula sa Fajardo estate ang nakatanggap din ng kanilang mga titulo bilang bahagi ng nagpapatuloy na programa ng lungsod na “Land for the Landless.”
Dagdag din sa nabahagian, ang sampu pang title awardees mula sa apat na iba’t iba pang mga estates sa lungsod.
Binanggit naman ni Mayor Lacuna na patuloy ang kanilang programa hangga’t mayroong mga lote na maipamamahagi bilang hangarin ng lungsod na gawing maayos at kaaya-aya ang Maynila.
Tiniyak din ni Lacuna sa mga Manileño ang tuloy-tuloy na mga programa at proyekto para sa ikabubuti ng kapakanan ng publiko.| ulat ni EJ Lazaro