Nasa lima ang kumpirmadong kritikal habang 14 ang nasugatan sa pagsabog ng mga paputok sa Brgy. Cabatangan sa Zamboanga City.
Batay sa ulat ng Zamboanga City Police Office, anim sa mga ito ay pawang mga pulis, tatlo ang tauhan ng Philippine Coast Guard, lima ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, at limang tauhan ng Philippine Marines.
Mahigpit nang binabantayan sa ospital ang kalagayan ng limang malubhang nasugatan sa pagsabog.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, magkakasama ang mga biktima para sa disposal ng iba’t ibang paputok nang magkaroon ng “premature detonation” na siyang dahilan ng pagkakasugat ng mga ito.
Maliban sa mga nasugatan, lumabas din sa imbestigasyon na tatlong sasakyan ang malubhang napinsala sa insidente.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa lawak ng pinsala ng nabanggit na pagsabog. | ulat ni Jaymark Dagala