19 uniformed personnel, sugatan matapos ang premature na pagsabog ng mga nakumpiskang firecrackers sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 19 na uniformed personnel ang sugatan matapos ang premature na pagsabog ng mga nakumpiskang firecracker sa lungsod ng Zamboanga bandang alas-5:35 kaninang hapon.

Batay sa inisyal na ulat ng otoridad, nasa 5 ang nagtamo ng malubhang pinsala habang nasa 14 naman ang nagtamo ng minor injuries.

Magsasagawa sana ng disposal ang Regional Explosive and Canine Unit (RECU) 9 at mga myembro ng Philippine Marines, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard ng mga firecracker o paputok na nakumpiska mula sa nangyaring insidente ng pagsabog sa Brgy. Tetuan noong nakaraang Hunyo 29, 2024.

Ang nasabing disposal ay isinagawa sa Zone 2 ng Brgy. Cabatangan kaninang hapon na nagresulta sa premature detonation o pagsabog.

Kaagad naman dinala sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang biktima para sa agarang pagpapagamot ng mga ito.

Iilan din sa mga sasakyan ng mga tanggapan na nakiisa sa nasabing disposal ang napinsala kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kabuuang halaga ng pinsala.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboaga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us