Nagpakawala na ng tubig ang Ipo at Binga Dam sa Luzon.
Sa ulat ng PAGASA, alas-11 ng umaga nang buksan ang isang gate ng Ipo Dam ng hanggang .30 meters.
Nasa 102.03 meters ang water level ng dam na mas mataas sa 101.10 meters ang normal high water elevation.
Pinayuhan na ang mga residente na maging alerto sa posibleng flash flood.
Partikular sa mga munisipalidad ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos,Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.
Samantala, isang gate din ang binuksan sa Binga Dam na may gate opening na .03 meters.
Posibleng maapektuhan naman dito ang mga Barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon Benguet. | ulat ni Rey Ferrer