2 mangingisda na nasugatan sa pagsaboy ng kanilang fishing banca sa West Philippine Sea, naiuwi na sa Zambales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naiuwi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na nasugatan matapos sumabog ang kanilang bangka sa West Philippine Sea kahapon.

Alas-4:47 ng umaga kanina nang maihatid ng BRP Sindangan ang dalawang sugatang mangingisda sa Subic Bay Freeport.

Agad din silang dinala sa ospital para masuri ng mga doktor matapos magtamo ng 2nd degree burn.

Nangyari ang insidente kahapon sa Bajo de Masinloc, Zambales habang ang mga mangingisda ay naghahanap-buhay.

Muntik pang harangin ng China Coast Guard ang rescue team ng PCG at nagawa pang mag-radio challenge habang lumalapit sa mga sugatang mangingisda. | ulat ni Mike Rogas

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us