2 pangunahing airport sa bansa, isasailalim na rin sa digitalization

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) ng isang Non-Disclosure Agreement (NDA) sa software company na TAV Technologies para sa Airport Operational Data Base (AODB).

Ito’y para isailalim sa digitalization ang dalawang pangunahing airport sa bansa partikular na ang General Santos International Airport at ang Davao International Airport.

Pinangunahan ni DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim ang paglagda ng kasunduan kasama sina Aziz Can Aksoyek ng TAV at Civil Aeronotics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla.

Bahagi ito ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na digitalization sa lahat ng sangay at tanggapan ng pamahalaan upang makapagbigay ng mabilis at episyenteng serbisyo sa publiko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us