2 sa 3 suspek sa pananaksak at pagnanakaw sa UP Campus, arestado na ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD), Brig. Gen. Redrico Maranan na arestado na ang dalawang menor-de-edad na sangkot sa robbery incident sa loob ng UP Diliman Campus sa Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Zachary Capellan, Station commander ng Anonas Police Station (PS 9), ang mga suspek, edad 14 at 15, ay parehong lalaki at residente ng Brgy. Krus na Ligas.

Batay sa report ng QCPD, bandang 12:20am ng July 9, nang dumulog sa PS-9 ang UP Diliman Police at ang tiyahin ng biktima upang i-report ang robbery hold-up at pananaksak.

Ayon sa biktima, tatlong kalalakihan ang lumapit sa kanya, nagpakita ng kutsilyo, at nagdeklara ng hold-up. Nang sumigaw ang biktima, agad siyang sinaksak ng mga suspek at tumakas dala ang Samsung phone, wallet na may IDs, ATM card, at ₱500 na cash patungong CP Garcia.

Isang concerned citizen naman ang nagdala sa biktima sa Diliman Doctor’s Hospital. Dahil dito, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang PS-9 at may nakuhang CCTV footage mula sa Brgy. UP Campus kung saan nakita ang unang suspek na edad 16-taong gulang habang tumatakas patungong B. Francisco Pook Amorsolo.

Sa manhunt operation, natunton ang dalawang suspek sa kanilang mga tirahan. Narekober mula sa kanila ang wallet ng biktima na naglalaman ng IDs, pictures, visa cards, at ang cellphone ng biktima.

Nakatakda namang kasuhan ng robbery-holdup with serious physical injury ang mga naaresto. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us