Nag-deploy ng dalawang Urban Search and Rescue (USAR) Team ang Philippine Army para tumulong sa mga biktima ng malawakang pagbaha na kasalukuyang nararanasan sa Metro Manila.
Ang mga ito ay binubuo ng 52 tauhan at rescue asset mula sa 525th Engineer “Forerunner” Battalion ng Combat Engineer Regiment.
Ang dalawang USAR team kasama ang apat na military truck at apat na rubber boat ay nasa ilalim ng pamamahala ng Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na siyang magtatakda ng kanilang area of assignment.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine Army na laging handa ang kanilang Humanitarian and Disaster Relief (HADR) teams na rumesponde sa mga biktima ng kalamidad katuwang ang national government agencies, local government units, at iba pang responder. | ulat ni Leo Sarne
📸: Philippine Army