Nasa 2,000 benepisyaryo mula sa Tanauan Leyte ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng TUPAD program ng pamahalaan.
Pinangunahan ng Office of the House Speaker ang payout sa mga benepisyaryo kung saan sila naabutan ng tig P4,050 para sa 10 araw na pagtatrabaho.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, patuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipinong nasa mahirap na sitwasyon alinsunod na rin sa nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang Pilipinong maiiwan sa Bagong Pilipinas.
Ang TUPAD ay isang community-based safety net initiative na magbibigay ng pansamantalang hanap buhay para sa mga underemployed, displaced marginalized workers, mga nawalan ng trabaho o lumiit ang sweldo na kabilang sa informal sector. | ulat ni Kathleen Forbes