Ang 2024 WCOPA Champion na si Blessie Mae Abagat ang kakanta ng pambansang awit ng Pilipinas sa SONA ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.
Ito ang binigyang linaw ni House Secretary General Reginald Velasco bunsod na rin ng kumakalat na post sa social media na ang Filipino girl group na BINI ang aawit ng national anthem.
Si Abagat ay tubong Bicol at humakot ng maraming parangal sa katatapos lang na 2024 World Championships of Performing Arts o WCOPA.
Kabilang dito ang Division Champion para sa Vocal Pop, apat na gintong medalya at dalawang pilak sa magkakaibang kategorya. | ulat ni Kathleen Forbes