Lebel ng tubig sa Marikina River, pumalo na sa mahigit 17 metro

Patuloy na pinag-iingat ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang kanilang mga residente partikular na ang mga nakatira sa mababang lugar. Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Ilog Marikina bunsod ng walang tigil na pag-ulang dala ng bagyong Carina at ng hanging habagat. Batay sa 9:40am Update ng Marikina City Rescue… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, pumalo na sa mahigit 17 metro

Ilan pang paliparan sa bansa, nagsuspinde na rin ng operasyon dulot ng masamang panahon — CAAP

Suspendido ang operasyon ng nasa 11 paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules. Ito ang inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bunsod pa rin ng nararanasang malawakang pag-ulan na dala ng bagyong Carina at ng pinaigting na hanging habagat. As of 8:30am, suspendido ang operasyon ng Basco Airport, San Jose… Continue reading Ilan pang paliparan sa bansa, nagsuspinde na rin ng operasyon dulot ng masamang panahon — CAAP

Binatilyo, napaulat na nawawala matapos tangayin ng baha sa Cainta, Rizal

Nagpapatuloy ang Search and Rescue Operations ng mga awtoridad matapos mapaulat ang pagkawala ng isang binatilyo nang tangayin ito ng baha sa isang creek sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta sa Rizal. Ayon sa Cainta Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nakilala ang biktima na si Rolando Abong, 14-na taong gulang at residente ng nabanggit… Continue reading Binatilyo, napaulat na nawawala matapos tangayin ng baha sa Cainta, Rizal

China, dapat respetuhin at kilalanin ang deklarasyon ni PBBM ukol sa West Philippine Sea — solon

Dapat igalang at tanggapin na ng China ang pahayag ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na atin ang West Philippine Sea at mananatiling atin. Ito ang inihayag ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kasabay ng pagbibigay puri sa paggiit ng Pangulo na hindi isusuko at hindi… Continue reading China, dapat respetuhin at kilalanin ang deklarasyon ni PBBM ukol sa West Philippine Sea — solon

PBBM, inatasan ang lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng agarang tulong sa lahat ng apektado ng bagyo

Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng concerned government agencies na ibigay ang agarang tulong sa lahat ng naapektuhan ng habagat at bagyong Carina. Ayon sa Pangulo, may nakahandang ₱2.88-milyong pisong tulong at 4,500 na tauhan na naka-standby para sa search, rescue, at retrieval operations. Kasabay nito’y inihayag ng… Continue reading PBBM, inatasan ang lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng agarang tulong sa lahat ng apektado ng bagyo

Tullahan River, nasa critical level na; mga residente malapit sa ilog, pinalilikas na

Pinalilikas na ng Valenzuela LGU ang mga residente lalo na ang mga nakatira malapit sa Tullahan River. Ito ay dahil sa pangambang pag-apaw ng nasabing ilog kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Hinikayat ang mga residenteng malapit sa ilog na lumikas na sa Valenzuela National High School, Barangay Marulas. Naka-deploy na rin aniya sa site maging… Continue reading Tullahan River, nasa critical level na; mga residente malapit sa ilog, pinalilikas na

Red Rainfall Warning, nakataas pa rin sa Metro Manila

Inaasahang magpapatuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa buong Metro Manila dahil sa nananatili pa rin ito sa Red Rainfall Warning. Sa Heavy Rainfall Warning ng PAGASA, alas-8 ng umaga, Red Rainfall Warning level na ang nakataas sa National Capital Region (NCR) kasama pa ang Rizal, Bataan, Pampanga, at Bulacan. Sa ilalim ng Red… Continue reading Red Rainfall Warning, nakataas pa rin sa Metro Manila

Ilang biyahe ng mga eroplano sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon — MIAA

Kanselado ang biyahe ng ilang domestic at international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Miyerkules. Ito’y ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) bunsod pa rin ng nararanasang masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Carina at pinaigting na hanging habagat. Batay sa Flight Advisory No. 2 na inilabas ng MIAA as of… Continue reading Ilang biyahe ng mga eroplano sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon — MIAA

Pasok sa Kamara, kanselado na

Nagpalabas na ng kautusan ang Office of the House Secretary General na wala nang pasok sa Kamara ngayong araw July 24. Bunsod pa rin ito ng sama ng panahon dulot ng bagyong Carina. Kanselado na rin ang pagdaraos ng plenary session at committee hearings. Nitong Martes kasi, kahit na may anunsyo ng suspensyon ng pasok… Continue reading Pasok sa Kamara, kanselado na

Mga residente ng Marikina City, pinaghahanda sa paglikas matapos itaas ang ikalawang alarma sa Marikina River

Nakataas na ang ikalawang alarma sa Marikina river ngayong umaga matapos umabot sa 16 na metro ang lebel ng tubig dito. Ayon sa Marikina City Rescue 161, nangangahulugan ito na kinakailangan nang lumikas ang mga residente na nakatira sa mababang lugar bilang bahagi ng pag-iingat. Bunsod na rin ito ng magdamag na pag-ulang naranasan sa… Continue reading Mga residente ng Marikina City, pinaghahanda sa paglikas matapos itaas ang ikalawang alarma sa Marikina River