Mahigit 600,000 kabahayan, nawalan ng kuryente bunsod ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina — MERALCO

Inaapura na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga kabahayang naapektuhan ng walang patid na pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina. Batay sa pinakahuling datos ng MERALCO, aabot sa 640,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng pagbaha at malakas na pag-ulan na may… Continue reading Mahigit 600,000 kabahayan, nawalan ng kuryente bunsod ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina — MERALCO

Antipolo Bishop, nagpalabas ng Oratio Imperata upang mailayo ang bansa sa kalamidad

Nagpalabas ng isang Oratio Imperata si Diocese of Antipolo Bishop Ruperto Santos upang hikayatin ang mga Pilipino na manalangin para sa bansa. Ito’y kasunod na rin ng pinsalang tinamo ng walang patid na pag-ulang dala ng hanging Habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina. Ayon sa obispo, dapat hilingin sa Diyos ang kaniyang paggabay upang… Continue reading Antipolo Bishop, nagpalabas ng Oratio Imperata upang mailayo ang bansa sa kalamidad

Price freeze sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity, ipinaalala ng DTI

Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity. Kasunod nito, ipinaalala ni DTI Secretary Alfredo Pascual na umiiral ang price freeze sa mga lugar na deklarado ang State of Calamity kaya hindi dapat magkaroon ng pagtataas ng presyo… Continue reading Price freeze sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity, ipinaalala ng DTI

‘Peace advocates’ sa Western Mindanao, nagpahayag ng suporta sa SONA ng Pangulo

Binati ni Philippine Army 3rd Infantry Division Commander Major General, Marion Sison ang iba’t ibang grupo ng “Peace Advocates” sa Western Visayas sa kanilang ipinakitang pagsuporta sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito’y matapos na magsagawa ng mga peace rally, ang Alliance for Peace, Environment, and Sustainability (APES)… Continue reading ‘Peace advocates’ sa Western Mindanao, nagpahayag ng suporta sa SONA ng Pangulo

U.S., nagpadala ng tulong sa mga komunidad na apektado ng baha

Pinagkalooban ng tulong ng Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ang mga komunidad na apektado ng sama ng panahon sa Maguindanao Del Sur at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa ulat ng US Embassy sa Manila, 700 emergency shelters ang naipagkaloob ng USAID at International Organization for Migration… Continue reading U.S., nagpadala ng tulong sa mga komunidad na apektado ng baha