Inulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nananatiling lubog sa baha ang ilang mga lugar sa bansa bunsod ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.
Sa huling datos ng NDRRMC ngayong araw, karamihan sa mga bahang lugar o 202 sa mga ito ay sa Region 3; habang ang iba pang lugar ay nasa CALABARZON, Regions 9, 10, BARMM at CAR.
Maliban dito mayruon ding naitalang pagguho ng lupa, bumuwal na mga puno at gumuhong mga gusali.
Samantala, 90 mga kalsada at 6 na tulay ang hindi parin madaraanan ng mga motorista hanggang sa ngayon dahil sa baha at pagkasira.
Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa CALABARZON, Metro Mla, Regions 1, 2, 3, MIMAROPA, BARMM at CAR.
Ilang kabahayan din mula sa Regions 1, 3, 9, CALABARZON, MIMAROPA at NCR ang nakakaranas parin ng power interruption habang may ilang tahanan din sa Regions 1, 9 at CALABARZON ang wala paring suplay ng tubig at linya ng komunikasyon. | ulat ni Leo Sarne