294 na Balikbayan boxes, di pa rin nakukuha sa Bureau of Customs mula pa noong noong nakaraang taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihimok ng Bureau of Customs (BOC) ang ibang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na kunin ang nasa 294 na Balikbayan boxes na dinala sa Pilipinas noong 2023.

Dumating sa Pilipinas ang mga Balikbayan box mula sa Kuwait noong February 12, 2023 at naka-imbak sa isang warehouse sa Santa Ana, Manila kung saan 450 sa mga ito ay naipamahagi na.

Nabatid na ang mga Balikbayan box ay inabandona ng mga forwarders matapos matanggap ang bayad.

Maaaring suriin ng mga OFW at kanilang mga pamilya ang kanilang mga hindi na-claim na Balikbayan box sa website ng BOC.

Upang ma-claim ang mga Balikbayan box, kailangang ipakita ng mga tatanggap ang mga orginal o photocopy ng pasaporte ng nagpadala, isang valid na government-issued ID at katibayan ng pagpapadala tulad ng resibo.

Samantala, ang mga kukuha ng Balikbayan boxes sa ngalan ng ibang tao ay kailangang magbigay ng notarized authorization letter at valid ID. | ulat ni Mike Rogas

📸: BOC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us