2nd batch ng tripolante ng MV Transworld Navigator na inatake ng mga rebeldeng Houti sa Red Sea, papauwi na sa bansa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-uwi sa Pilipinas ng ikalawang batch ng mga tripolante ng MV Transworld Navigator ngayong araw.

Kabilang ito sa kabuuang 27 mga Pinoy seafarer na sakay ng barkong inatake ng mga rebeldeng Houti sa Red Sea nitong isang buwan lamang.

Ayon sa DMW, inaasahang makauuwi sa bansa ang hindi pa tinukoy na bilang ng Pinoy repatriates mamayang alas-7:05 ng gabi sakay ng Cathay Pacific flight CX-903 mula Abu Dhabi at lalapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Personal na sasalubungin ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang mga balik-bayang Pilipino katuwang ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Magugunita nitong Linggo lamang, naka-uwi na rin sa bansa ang limang Pilipinong tripolante ng naturang barko at tumanggap ng kaukulang tulong mula sa pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us