Ika-4 na 2+2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, isasagawa ngayong araw

Muling pagtitibayin ng Pilipinas at Amerika ang relasyon ng dalawang bansa sa gitna ng mga hamong kinahaharap partikular na sa rehiyon ng Indo-Pasipiko. Ito’y sa ika-4 na 2+2 Ministerial Consultations na isasagawa sa Kampo Aguinaldo ngayong araw. Partikular na haharap sa pagpupulong sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa panig… Continue reading Ika-4 na 2+2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, isasagawa ngayong araw

Balik-eskwela sa Pasig City, umarangkada ngayong araw

Pormal nang nagsimula ang balik-eskwela sa Pasig City ngayong araw matapos itong maantala kahapon matapos kulangin ang oras sa paghahanda dahil sa habagat at nagdaang bagyong Carina. Sa Rizal High School halimbawa, alas-5 pa lamang ng umaga, nagsisimula nang magsipasukan ang mga estudyante kahit alas-7 pa ng umaga ang klase. Bakas sa mukha ng mga… Continue reading Balik-eskwela sa Pasig City, umarangkada ngayong araw

Serbisyo Caravan para sa mga residente ng Malabon na apektado ng bagyong Carina, magpapatuloy ngayong araw

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Walang Tulugan Serbisyo Caravan ng pamahalaang lungsod ng Malabon para sa mga residente na labis na napinsala ng bagyong Carina. Matapos ang caravan rollout sa Brgy. Panghulo, magpapatuloy naman ngayong araw sa Brgy. Tinajeros ang serbisyo ng LGU kung saan magkakaroon ng medical mission. Mayroon ding libreng legal at civil registry… Continue reading Serbisyo Caravan para sa mga residente ng Malabon na apektado ng bagyong Carina, magpapatuloy ngayong araw

Higit 970,000 family food packs, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Carina at habagat

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Carina at habagat sa bansa. Ayon sa DSWD, as of July 29, aabot na sa 977,560 na family food packs ang nailaan nito sa NCR, at mga rehiyon ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol.… Continue reading Higit 970,000 family food packs, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Carina at habagat

Presyo ng bigas, di inaasahan ng DA na tataas sa kabila ng hagupit ng habagat at bagyong Carina

Walang nakikitang dahilan ang Department of Agriculture (DA) para tumaas ang presyo ng bigas sa merkado. Ito ay kahit pa apektado ang agri sector ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, batay sa kanilang monitoring, walang mga warehouse ng bigas ang nabaha o napinsala kasunod ng… Continue reading Presyo ng bigas, di inaasahan ng DA na tataas sa kabila ng hagupit ng habagat at bagyong Carina

Oil slick mula sa lumubog na MT Terra Nova, umabot na ng Metro Manila — UP MSI

Inaasahang lalawak pa ang oil slick mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa karagatang bahagi ng Limay, Bataan. Sa inilabas na panibagong bulletin ng UP Marine Science Institute, posibleng umabot na rin ngayong araw ang tagas ng langis sa Metro Manila. Batay yan sa oil spill trajectory model kung saan makikita… Continue reading Oil slick mula sa lumubog na MT Terra Nova, umabot na ng Metro Manila — UP MSI

₱5,000 chalk allowance ng mga guro, matatanggap na ngayong linggo

Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na matatanggap na ng mga guro sa pampublikong paaralan ang kanilang ₱5,000 chalk allowance ngayong linggong ito. Iyan ang pangakong binitiwan ng kalihim nang magsagawa ito ng pag-iinspeksyon sa ilang piling paaralan kasabay ng pagbubukas ng School Year 2024-2025 o ang “Balik-Eskuwela” kahapon. Para… Continue reading ₱5,000 chalk allowance ng mga guro, matatanggap na ngayong linggo

Kadiwa ng Pangulo, 2 araw na magbubukas sa Caloocan

May opsyon muli sa mas murang bilihin ang mga residente ng Caloocan sa pagbubukas simula ngayong araw ng Kadiwa ng Pangulo sa lungsod. Matatagpuan ito sa sa C-Cube Complex, Caloocan City Hall – South, Barangay 103 na bukas mula 7:00 am hanggang 5:00 pm, hangang July 31, 2024. Hatid ng Kadiwa ng Pangulo sa Caloocan… Continue reading Kadiwa ng Pangulo, 2 araw na magbubukas sa Caloocan

Presyo ng itlog, inaasahang bababa na ngayong nagsimula na ang pasukan

Umaasa ang mga nagtitinda ng itlog partikular na sa Marikina Public Market na bababa na ang presyo ng kanilang paninda ngayong pormal nang nagbukas ang klase sa mga paaralan. Ayon sa ilang nagtitinda ng itlog, ito’y dahil sa nananatiling mataas ang presyo nito dahil ngayon pa lamang nakababawi ang ilang mga poultry raisers na nagsara… Continue reading Presyo ng itlog, inaasahang bababa na ngayong nagsimula na ang pasukan

Taguig Rep. Zamora, nanindigan na di kailangan pairalin ang red tape sa panahon ng kalamidad

Nanindigan si Taguig 2nd District Representative Pammy Zamora na hindi na dapat pinapairal ang pamomolitika at red tape sa panahon ng kalamidad. Kasunod ito ng isyu kung saan hindi siya pinayagang makapagpamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng bagyong Carina na namamalagi sa evaucation center sa Brgy. Fort Bonifacio. Pagbibigay diin ng lady solon… Continue reading Taguig Rep. Zamora, nanindigan na di kailangan pairalin ang red tape sa panahon ng kalamidad