May 300 dating rebelde ng New People’s Army sa Western Visayas ang nag aplay ng amnestiya sa Bacolod City.
Ayon kay Lieutenant Colonel Jayjay Javines, pinuno ng Division Public Affairs Office ng Army 3rd Infantry Division, karamihan sa mga aplikante ay mula sa Negros Island at Panay area.
Ang mga dating rebelde ay sumuko sa gobyerno mula noong 2018.
Sinabi ni Javines na tatakbo mula Marso ngayong taon hanggang Marso 2026 ang aplikasyon para sa amnesty program.
Binanggit ng opisyal na ang amnestiya ay maaari lamang ibigay sa mga dating rebeldeng NPA na may mga pagkakasala dahil sa kanilang political beliefs tulad ng rebelyon, insureksyon at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer