Bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa SY 2024-2025, umabot na sa 22.4-M ayon sa DepEd

Photo courtesy of DepEd Tayo SDO Angeles City Facebook page

Tumaas pa ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa pasukan. Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mula sa 21.5 million kahapon, umabot na ito ngayon sa 22.4 million na mga mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year 2024-2025. Kabilang na rito ang mga nagpatala sa elementary, junior high school, senior high… Continue reading Bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa SY 2024-2025, umabot na sa 22.4-M ayon sa DepEd

House Speaker, pinuri ang pagsusumite ng ikatlong IGRB Progress Report

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na patuloy na susuporta ang Kamara sa pagpapaunlad ng BARMM bilang bahagi ng peace initiatives ng bansa. Ang pahayag ng House leader ay kasunod ng pagsusumite ng ikatlong National Government at Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) Progress Report kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw. Maituturing aniya… Continue reading House Speaker, pinuri ang pagsusumite ng ikatlong IGRB Progress Report

Karagdagang birthday cash gift, handog ng Marikina LGU sa mga senior citizen

Bilang pagpupugay at pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa lungsod, inihayag ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pagdodoble ng birthday cash gift para sa lahat ng senior citizens sa lungsod. Pormal ni nilagdaan ni Mayor Teodoro ngayong araw ang ordinansa na naglalayong dagdagan ang birthday cash gift para sa lahat ng senior citizens. Ayon… Continue reading Karagdagang birthday cash gift, handog ng Marikina LGU sa mga senior citizen

Desisyon ni DTI Pascual na bumalik na sa pribadong sektor, niri-respeto ng Malacañang

Agad na hahanap ng kapalit ang pamahalaan para sa babakantehing pwesto ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, upang masiguro na magiging maayos ang transition at magpapatuloy lamang ang mandato ng Department of Trade and Industry (DTI). “The Presidential Communications Office announces the resignation of Secretary Fred Pascual from the Department of… Continue reading Desisyon ni DTI Pascual na bumalik na sa pribadong sektor, niri-respeto ng Malacañang

DPWH Secretary Bonoan, tiniyak ang kanilang pagpapatupad ng lahat ng flood control program upang mapigilan na ang pagbaha sa Metro Manila

Iprinisinta ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan ang Flood Control program ng ahensya sa pagdinig ng House Committee on Public Works and Highways. Ibinahagi ng kalihim ang update sa kanilang isinasagawang flood control masterplan kung saan itinuloy nila mula pa noong nakaraang admisnitrasyon, kabilang na dito ang iba’t ibang components gaya ng agarang… Continue reading DPWH Secretary Bonoan, tiniyak ang kanilang pagpapatupad ng lahat ng flood control program upang mapigilan na ang pagbaha sa Metro Manila

Nasa 25,000 trabaho sa Japan, alok sa isasagawang job fair ng DMW at Japan Embassy

Aabot sa 25,000 na trabaho sa Japan ang iaalok sa isasagawang job fair ng Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Japan sa Pilipinas. Ang naturang job fair ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine-Japan Friendship Week. Ito ay gaganapin sa Level 3 ng Robinsons Galleria-Ortigas, Quezon City simula alas-10 ng umaga, bukas. Ayon sa… Continue reading Nasa 25,000 trabaho sa Japan, alok sa isasagawang job fair ng DMW at Japan Embassy

Mabagal na aksyon ng DepEd na mabawi ang matagal nang naka imbak na learning materials sa kinontratang logistics company, ikinalungkot ng Iloilo solon

Ikinalungkot ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang delay na mabawi ng Department of Education (DepEd) ang mga naka imbak na unused learning equipment sa warehouses ng Fastpac Logistics. Ang Fastpac logistics ay kinontrata ng DepEd noong nakaraang administrasyon na mag-distribute ng supplies ngunit hindi na ito itinuloy dahil sa umano’y… Continue reading Mabagal na aksyon ng DepEd na mabawi ang matagal nang naka imbak na learning materials sa kinontratang logistics company, ikinalungkot ng Iloilo solon

Dating administrasyon, ‘ill-advised’ sa pagpapahintulot ng operasyon ng POGO sa bansa

Naniniwala si dating senador at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na hindi napayuhan ng tama si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapahintulot ng operasyon ng POGO sa bansa. Sa isang ambush interview, nahingan ng opinyon si Enrile ukol sa inilabas na Executive Order 13 ng dating Pangulong Duterte noong 2017.… Continue reading Dating administrasyon, ‘ill-advised’ sa pagpapahintulot ng operasyon ng POGO sa bansa

PUV modernization program, pinapasuspinde muna ng mga senador

Pirmado ng 22 mga senador ang resolusyon na nananawagan na pansamantala na munang suspendihin ang pagpapatupad ng public transport modernization program (PTMP) o ang PUV modernization program (Senate Resolution 1096). Tanging si Senator Risa Hontiveros lang ang hindi pumirma sa naturang resolusyon na isinulong ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo. Nakasaad… Continue reading PUV modernization program, pinapasuspinde muna ng mga senador

Magnificent 7, muling  nagpahayag ng suporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program

FARE DISCOUNT. Traditional and modern jeepneys ply the Elliptical Road in Diliman, Quezon City on Thursday (March 16, 2023). The proposed fare discount for public utility vehicles (PUVs) has been approved and is set to take effect in Metro Manila next month. (PNA photo by Ben Briones)

Nagpahayag ng kanilang buong suporta ang Magnificent 7, ang pinakamalaking koalisyon ng mga transport group sa bansa, sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Ayon sa grupo, malaki na ang naitulong ng programa sa kanilang mga miyembro kabilang ang mga operator, driver, at iba pang manggagawa sa transportasyon. Anila, marami na ang yumakap… Continue reading Magnificent 7, muling  nagpahayag ng suporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program