4 na FA-50 fighter jets ng Pilipinas, dumating na rin sa Australia para lumahok sa Pitch Black Military Exercises 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na rin sa Darwin, Australia ang main contingent ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Military Exercise Pitch Black 2024.

Kasamang dumating ng main contingent sakay ng C-130 Tactical Transport aircraft ng Air Force ang apat na FA-50 Fighter Jets na siyang tampok ng nasabing pagsasanay.

Personal silang sinalubong sa Royal Australian Air Force Base sa Darwin ng Executive Director ng Picth Black 2024 na si Air Commodore Pete Robinson.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak sa isang international military exercise ang mga FA-50 aircraft ng Philippine Air Force.

Bago ito, nagbigay muna ng kaniyang send-off si Philippine Air Force Commander, Lt. Gen. Stephen Parreño para sa mga kalahok sa Basa Air Base sa Pampanga.

Dito kaniyang binigyang diin na ang paglahok ng Air Force sa Pitch Black ay patunay lamang ng mahabang paghahanda upang paunlarin ang kanilang operational capabilities at pagpapatatag ng international partnership. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us