4 nasawi sa landslide sa Agoncillio, Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat ang nasawi sa landslide na naganap sa Sitio Manalao, Subic Ilaya Agoncillo, Batangas.

Sa ulat ng Agoncillio Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina: Denden Malipol, 27, buntis; Lyca Malipol Rimas, 16; Aiza Malipol Rimas, 13; at Samantha Rimas Mamugay, 9, anak ng unang biktima.

Base sa imbestigasyon, nasa loob ng kanilang tahanan na gawa sa light materials ang mga biktima nang matabunan ng landslide bandang alas-9 kagabi.

Narekober ang mga labi ng biktima kaninang umaga matapos iulat ng concerned citizen sa Philippine National Police (PNP) ang insidente.

Nagpapatuloy sa ngayon ang pagpapalikas ng lokal na pamahalaan sa mga residente sa nasabing lugar dahil sa panganib na dulot ng epekto ng matinding pag-ulan. | ulat ni Leo Sarne

📸: PIO Agoncillo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us